Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesIce Seguerra, inaming nasimot ang naipon niya simula pagkabata: "Naloko kami"

Ice Seguerra, inaming nasimot ang naipon niya simula pagkabata: “Naloko kami”

Ibinulgar ni Ice Seguerra na naging biktima siya ng ‘scam’ kung saan ay nasimot ang lahat ng pera na pinaghirapan at pinagipunan niya noong siya panahon na isa pa siyang child star.

Sa panayam sa kanya para sa darating niyang 35th anniversary concert ay inamin ni Ice na nalinlang sila ng isang tao na kanilang pinagkatiwalaan.

“Walang savings. Naloko kami. Hindi kami naloko sa business. But there was a time nuon na nagpa-renovate kami ng bahay. Na-gancho kami ng isang tao na akala namin kamag-anak. We trusted this person so much. So we let the person handled the finances.” kwento ni Ice.

“Only to find out na nalimas na pala yung pera sa bangko. So that happened,” dagdag niya pa.

Ayon kay Ice ay nangyari yoon noong siya ay teenager pa lamang at hindi na nila nabawi ang nasabing pera.

“That time it was hard to recover na. I was a teenager so yung mga napag-ipunan ko nuong kabataan ko nadale. Nuong teenager ako wala naman akong career but I never stopped working. Hindi nga ako naglove team.” aniya.

Samantala ay inimbitahan niya rin sa kanyang concert ang mga nakasama niya sa Eat Bulaga kung saan siya sumikat.

“Hind kumpleto ang kuwento ng buhay ko kung wala si Tito Vic (Sotto). Hindi lang siya naging tatay ko sa ‘Eat Bulaga’ eh kundi pati na rin sa ‘Okay Ka, Fairy Ko.’ He’s been there … naging ninong ko siya sa kasal. Isa siya sa mga nagturo sa akin mag-gitara. Ang dami naming moments sa buhay,” sabi pa niya.

Gaganapin ang nasabing concert sa Oktubre 15 sa The Theater Solaire

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular