Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesHeart Evangelista, tigil na sa pagbili ng mamahaling gamit: "I thought buying...

Heart Evangelista, tigil na sa pagbili ng mamahaling gamit: “I thought buying all these things would make you happy.”

Babawas bawasan na diumano ng aktres na si Heart Evangelista ang kanyang pagbili ng mga luxury items matapos ang kanyang mga na-realize matapos ang pagbisita niya sa Couture Fashion Week 2022.

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Heart na sa ngayon ay tila dumating na siya sa punto ng kanyang buhay na mas gusto niya na lamang na bumili ng mga gamit na alam niyang tatagal hanggang pagtanda niya.

“We all get to a phase in life, and it’s nice to see you doing these, I did not expect this from you any sooner, but yeah, sometimes as simple as touching the grass is pure happiness, and just like you said, it’s going to be a process.” ani Heart.

“I’m also all about sustainability lately, so that’s why I just want to buy stuff that I know that I can use for a really long time. And eventually if it doesn’t sing to me anymore somebody else can use them,” dagdag niya pa.

Inamin niya rin na ang akala niya noon ay kasiyahan niya na ang pagbili ng mga mamahaling mga damit, bag at sapatos.

“You look at my closet and it’s excessive, extremely excessive. I guess I was going through a stage where I thought buying all these things would make you happy.” aniya.

“But really it’s just taking photos, enjoying life and if you do or to invest on something, it would be that something that you would love forever,” dagdag niya pa.

Sinabi ito ni Heart sa gitna ng mga personal na problema na kinakaharap niya ngayon.

Mayroon din na mga ulat na kumakalat na mayroon siya diumanong problema sa relasyon nila ng asawang si Sen. Chiz Escudero.

Matatandaan na kilala si Heart sa kanyang pagrampa ng mga mamahaling gamit at kadikit na ng kanyang pangalan ang salitang ‘luxury’.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular