Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesAles Vodisek, posibleng makasuhan kung mapapatunayan na nagtaksil ito

Ales Vodisek, posibleng makasuhan kung mapapatunayan na nagtaksil ito

Itinampok nitong Septyembre 4 sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang masalimuot na love life ng tinaguriang ‘viral bride’ na si Jorryme Vodisek.

Matatandaan na sumikat ang istorya ni Jorryme dahil sa diumano’y malakas na kutob niya sa totoong relasyon ng kanyang asawang Slovenian National na si Ales Vodisek at bestfriend nito na si Shaira Mae Boyonas.

Makikita sa nasabing episode ang matinding epekto ng paghihiwalay ni Jorryme at Ales, ilang araw matapos ang kanilang kasal.

Sa nasabing episode ay makikitang ilang beses itong umiyak at lalo pa itong naging emosyonal ng pumunta siya sa apartment na tinitirhan nila noon ni Ales.

Nakita pa ni Jorryme ang mga gamit nila at larawan nila ni Ales at nagawa pa niyang ayusin ito bago umalis.

Dahil sa matinding pinagdadaanan niya ay nagpakonsulta ang KMJS sa isang abogado kung ano ang maaring maitulong na legal kay Jorryme.

Ayon kay Atty. Kurt Bungabong ay maaring makasuhan si Ales ng VAWC kung mapapatunayan na may ginawa nga siyang kataksilan kay Jorryme.

“Kung may hinala siya na may other woman ‘yung husband niya ay maghanap siya ng mga ebidensya at kung mapatunayan po ‘yun pwede siyang makasuhan ng VAWC, pwede siyang i-prosecute ng gobyerno,” sabi ng abogado.

Ngunit may posibilidad din na makasuhan si Jorryme dahil sa kanyang mga ibinahaging larawan ni Shaira Mae Boyonas.

“Kung ano ‘yung pinost ng babae laban sa kapwa niya babae kung may malice, baka may pananagutan siya sa cyber libel,” sabi pa ng abogado.

Hindi naman malaman kung magsasampa ba ng reklamo si Jorryme dahil tila gusto pa nitong makausap si Ales at Shaira Mae na tumangging magbigay ng pahayag sa KMJS.

“I want to talk to you and I want to hear your side, why did you do this to me, where did I go wrong.” ani Jorryme.

“To Shaira Mae, explain to me everything, I want to hear your side also,” sabi pa niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular