Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesSuspek sa nangyari kay Jovelyn Galleno, bumaliktad: "Tulungan niyo ko mamamatay ako,"

Suspek sa nangyari kay Jovelyn Galleno, bumaliktad: “Tulungan niyo ko mamamatay ako,”

Humingi ng tulong ang pangunahing suspek sa pagkawala ni Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas.

Ito’y matapos bumaliktad si Dasmariñas sa kanyang pag-amin sa nangyari kay Jovelyn na nawala noong Agosto 5.

Ayon sa suspek ay pinilit lamang siyang makipagtulungan at umamin sa nangyari kay Jovelyn.

Sinabi niya rin na wala siyang alam sa kalansay na nakita sa lugar na diumano’y sinabi sa kanya na ituro niya sa kanyang pag-amin.

“Wala po akong kinalaman doon, basta pagdating ko, nandun na lang ‘yun,” sabi ng suspek.

“Tulungan niyo ko, mamamatay ako,” dagdag niya pa.

Binanggit niya ang pangalan ni Puerto Princesa City Information Officer Richard Ligad na diumano’y diniktahan siya na umamin na lamang sa mga akusasyon laban sa kanya.

Makikita sa isang video ang pag-iyak ni Dasmariñas habang inaamin niya na si Ligad ang nasa likod ng kanyang pag-amin.

Yakap yakap pa ng pamilya Galleno si Dasmariñas na tila natatakot sa kanyang kaligtasan lalo na’t umamin na siya.

“Tinatakot po talaga siya,” sabi ng isang miyembro ng pamilya Galleno.

Ayon pa sa pamilya Galleno ay sinasaktan si Dasmariñas kaya naman wala na itong nagawa kundi umamin sa krimen na wala siyang kasalanan.

Sa ngayon ay isasama na sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) si Ligad upang malaman kung ano ang nalalaman nito sa nangyari kay Jovelyn.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular