Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaPuero Princesa LGU official Richard Ligad, itinanggi na sangkot siya sa kaso...

Puero Princesa LGU official Richard Ligad, itinanggi na sangkot siya sa kaso ni Jovelyn Galleno: “Kalokohan yan!”

Itinanggi ni Puerto Princesa City Information Officer at Anti Crime Task Force (ACTF) chief Richard C. Ligad ang mga akusasyon laban sa kanya ng suspek sa pagkawala ng graduating student na si Jovelyn Galleno.

Matatandaan na nitong Septyembre 1 ay binawi ni Leobert Dasmariñas ang kanyang pag-amin na siya ang nasa likod ng pagkawala ni Jovelyn at sinabi na sinubukan lamang siyang paaminin ni Ligad.

Sa isang video naman ay makikita ang pag-iyak ni Dasmariñas habang kinokompirma na si Ligad nga ang isa sa mga diumano’y namilit sa kanya na akuin ang nangyari kay Jovelyn.

READ MORE: Suspek sa nangyari kay Jovelyn Galleno, bumaliktad: “Tulungan niyo ko mamamatay ako,”

Kinumpirma ito ng suspek matapos ipakita ng isa sa mga miyembro ng pamilya Galleno ang larawan ni Ligad.

Sa panayam sa kanya ay tinawag na ‘kalokohan’ ni Ligad ang mga akusasyon laban sa kanya ni Dasmariñas.

Itinanggi din nito na pinahirapan niya si Dasmariñas upang umamin sa kanyang nagawa.

Hindi naman ito nababahala dahil alam niya na siya ay inosente at walang kinalaman sa pagkawala ni Jovelyn.

Si Ligad ay isa sa mga aktibong opisyal ng Puerto Princesa na tumulong sa pamilya Galleno upang mahanap ang biktima.

Samantala ay isasama sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) si Ligad at ang Police Station 2 Commander ng Puerto Princesa PNP na si P/MAJ Noel Manalo na diumano’y nag-alok ng pera kay Dasmariñas upang ‘tulungan’ sila sa imbestigasyon.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular