Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesPambansang Kolokoy, may tweet sa gitna ng hiwalayan nila ni Marites: "Now...

Pambansang Kolokoy, may tweet sa gitna ng hiwalayan nila ni Marites: “Now I know who my true friends are!”

Naglabas ng isang ‘cryptic tweet’ ang kilalang content creator na si Joel Mondina na mas kilala bilang ‘Pambansang Kolokoy’ sa gitna ng isyu at pambabatikos na kanyang kinakaharap matapos niyang ianunsyo ang paghihiwalay nila ng kanyang asawa na si Marites Mondina.

Nitong Agosto 30 ay inamin ni Mondina na tinapos niya na ang relasyon niya kay Marites matapos ang dalawang dekada nilang pagsasama.

Hindi naman napigilan ng mga fans na madismaya sa naging desisyon ni Mondina.

Naglabas naman ito ng mensahe tungkol sa diumano’y pagkadiskubre niya sa kanyang mga totoong kaibigan sa gitna ng kontrobersya na kinakaharap niya.

“Now I know who my true friends are. Keep in mind this is just temporary, but not me, WHO showed kindness from your back and to your faces, from your head to your toe,” ani Mondina.

Nagsama rin ng larawan si Mondina kung saan nasa background niya ang Golden Gate Bridge sa California.

 

Hindi naman binanggit ni Mondina kung sino ang mga pinapatamaan niya sa kanyang post.

Matatandaan na sinabi ng internet celebrity na mayroon na siyang ibang kinakasama at masaya na siya dito.

“Wala na po kami ni Marites. And, ayaw ko pa sana magsalita kasi meron pa kaming process na ginagawa ngayon. Am I with someone else? Yes, I’m with someone else now and we’re happy.” aniya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular