Wednesday, October 5, 2022
HomeSocial MediaLeobert Dasmariñas, inamin na pinahirapan at inalok ng pera ng pulis para...

Leobert Dasmariñas, inamin na pinahirapan at inalok ng pera ng pulis para tulungan sila sa paglutas sa kaso ni Jovelyn Galleno

Ibinunyag ng suspek sa pagkawala ni Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas na inalok siya ng pera ng isang miyembro ng Puerto Princesa PNP upang ‘tulungan’ sila sa imbestigasyon.

Sa panayam sa kanya ni Raffy Tulfo, ibinahagi ni Dasmariñas na ngayon ay pansamantalang nakalaya dahil sa piyansa na inalok si ni Puerto Princesa Station 2 Commander P/MAJ Noel Manalo upang tulungan sila sa kaso ni Jovelyn.

Hindi naman malaman ni Dasmariñas kung bakit siya inaalok ng pera ni Manalo.

“Pagkapasok ko sa opisina [ni Manalo] pinosasahan nila ako at sinabi na makipagtulungan daw ako, sila na ang bahala sa abogado ko,” kwento ni Dasmariñas.

Kung hindi daw makikipagtulungan si Dasmariñas ay sinabihan siya ni Manalo na ‘mamasamain’ ito.

Dito na daw siya inumpisahan saktan sa hindi niya malamang dahilan.

Itinanggi naman ni Manalo ang mga akusasyon laban sa kanya ni Dasmariñas.

Pumayag din si Dasmariñas na sumalang sa lie-detector test upang mapatunayan na nagsasabi siya ng katotohanan.

Matatandaan na hinuli ng mga otoridad si Dasmariñas hindi dahil sa kaso ni Jovelyn kundi dahil sa away nila ng pinsan niyang si Jovert Valdistamon.

Ngunit kalaunan ay umamin ito na siya ang diumano’y dumukot sa dalaga at itinapon sa Barangay Sta. Lourdes.

Inamin naman nito na pinilit lamang siya na ituro ang nasabing lokasyon kung saan nakita ang mga gamit ni Jovelyn at ang isang kalansay na ayon sa DNA test ay positibong ang dalaga.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular