Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesKapatid ni Jovelyn Galleno, ipinagtanggol si Leobert Dasmariñas sa akusasyon ng pulisya

Kapatid ni Jovelyn Galleno, ipinagtanggol si Leobert Dasmariñas sa akusasyon ng pulisya

Mismong ang kapatid ni Jovelyn Galleno ang na si Jonalyn ang nagtanggol sa suspek na si Leobert Dasmariñas mula sa akusasyon ng isang pulis.

Ito’y matapos akusahan ni Puerto Princesa Station 2 Commander P/MAJ Noel Manalo na mayroong record na noon pa ng pananamantala si Dasmariñas sa isa pa niyang pinsan.

Ayon kasi kay Manalo ay hindi na lamang nagsampa ng kaso ang mga kamag-anak ng unang biktima diumano ni Dasmariñas dahil sa kahihiyan.

Sa panayam ni Sen. Raffy Tulfo, makikita na katabi pa ni Dasmariñas ang ina at kapatid ni Jovelyn. Larawan mula sa Raffy Tulfo in Action

“Saka magulo ang background ng buhay niyan sir,” paumpisa ni Maj. Manalo. “Ayon sa pag-iimbestiga namin sir may pinagsamantalahan din ‘yan na pinsan niya pero may relasyon din sila kaya hindi na nareklamo ‘yung kamag-anak dahil sa mapapahiya yung pamilya nila,”

“Ang kwento niya ay nabuntisan niya rin ‘yon,” dagdag pa ng pulis.

Agad namang ipinagtanggol ni Jonalyn si Dasmariñas at ibinahagi kung ano nga ba ang totoong istorya sa naging relasyon ng suspek sa kanyang pinsan.

Kwento ni Jonalyn ay inamin ni Dasmariñas sa kanila noon pa na mayroon silang relasyon ng kanyang pinsan, ngunit ikinokonsidera nila itong isang ‘distant relative’ at hindi malapit na kamag-anak.

“Alam ‘yan kahit ng aming mga kapitbahay na si Leobert po at ‘yung pinsan namin ay nagkaroon po sila ng relasyon, hindi po nila tinago ‘yon,” sabi ni Jonalyn.

“Umamin po si Leobert noon, kinausap niya kaming buong mag-pinsan at talagang nag confess siya, nagsisi po siya sa ginawa niyang kasalanan kasi po magkalayo naman po talaga silang magkamag-anak,” dagdag pa niya.

Napagsabihan naman ni Tulfo si Manalo dahil sa mabigat na akusasyon ng pulis laban kay Dasmariñas.

“Just imagine kung nasa korte na ito sasabihin niyo na nanamantala ‘yung tao kahit hindi edi kulong na ito habang buhay,” ani Tulfo.

Humingi naman ng paumanhin si Manalo sa kanyang hindi wastong kwento tungkol kay Dasmariñas.

Sa ngayon ay patuloy parin ang imbestigasyon kung totoo nga ba na inosente si Dasmariñas sa nangyari kay Jovelyn.

 

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular