Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesJose Mari Chan, may komento sa isyu ng suplay ng asukal: "We...

Jose Mari Chan, may komento sa isyu ng suplay ng asukal: “We really need to import”

Hindi lamang tungkol sa kapaskuhan ibinigay na komento ng tinaguriang ‘Father of Philippine Christmas Songs’ na si Jose Mari Chan.

Sa panayam sa kanya ng One News, ibinahagi ni Chan kung ano nga ba ang kanyang komento sa kasalukuyang isyu ng suplay ng asukal sa Pilipinas na isa sa mga kinakaharap ngayong problema ng kasalukuyang administrasyon.

Matatandaan na maliban sa kanyang pagiging recording artist ay may-ari din si Chan ng Binalbagan-Isabela Sugar Company at A. Chan Sugar Corporation sa Negros Occidental.

Paliwanag niya ay lubos talagang nakaapekto sa suplay ng asukal ang Bagyong Odette na tumama noon sa Visayas noong 2021.

Naniniwala siya na kinakailangan talaga na mag-import ng asukal sa ibang bansa ang Pilipinas kung titignan ang demand nito.

“The situation was exacerbated by typhoon Odette which damaged the sugar crop. So, from last year’s production of 2 million tons, it is now down to only 1.8 million tons. And since we consume about 2.3 million tons nationwide, we consume about 2.3 million tons, we really need to import 300,000 to 400,000 tons in order to fulfill the domestic needs,” ani Chan.

Matatandaan na kinontra noon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang desisyon ng Department of Agriculture (DA) na mag-import ng 300,000 metric tons na asukal.

Ngunit tila nagbago naman ang isip nito at sinabi na kung kukulangin talaga ang suplay ay maaring mag-import ang gobyerno ng 150,000 metric tons.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular