Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesJorryme Vodisek, ibinahagi na itinuring niyang kapatid si Shaira Mae Boyonas: "Masakit...

Jorryme Vodisek, ibinahagi na itinuring niyang kapatid si Shaira Mae Boyonas: “Masakit po ‘yun para sa akin”

Ibinahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang ilan sa mga pahayag ng viral bride na si Jorryme Vodisek tungkol sa isyu na kinakaharap niya ngayon.

Nag-viral sa social media si Jorryme matapos niyang pagbintangan ang best woman sa kasal niya na si Shaira Mae Boyonas ng pang-aagaw ng eksena.

Makikita kasi sa ilang larawan na tila mas malambing pa si Shaira Mae at ang kanyang asawang Slovenian National na si Ales Vodisek sa nasabing kasal.

Ayon sa panayam ng KMJS kay Jorryme ay mismong si Ales ang nagpakilala sa kanya kay Shaira Mae na itinago na lamang sa alyas na ‘Betty’ ng programa.

“Noong unang pinakilala ni Ales si ‘Betty’ sa akin, tinuring ko siyang parang tunay na kapatid. Mine-make up-an ko pa siya. Kung ano nga ‘yung binibili para sa akin, binibilhan ko rin siya, para dalawa po kaming mayroon.” kwento ni Jorryme.

Ngunit ayon kay Jorryme ay nasaktan siya ng sabihin ni Ales na si Shaira Mae ang gusto niyang maging ‘best woman’ sa kasal nila.

Ayon kasi sa kanya ay ang gusto niya na siya ang maging best woman dahil sa kasal niya ‘yon.

“Noong ikakasal na kami, sabi ni Ales, si ‘Betty’ raw ang gawing best woman. Masakit po ‘yun para sa akin. I was supposed to be the best woman because it was my wedding. But my husband kept on insisting that ‘Betty’ is the only best woman there is.” aniya.

Matatandaan na ibinahagi na rin sa isang video ni Ales na pumayag na siya noong hindi ikasal kay Jorryme dahil sa ayaw nito na maging best woman si Shaira Mae.

READ MORE: Ales Vodisek, sinabing may problema sa pag-iisip ang kanyang asawa: “You cannot go better until you get medication,”

Hindi naman malaman kung magsasalita din ba si Ales sa KMJS.

Abangan ngayong Linggo ang istorya ni Jorryme sa KMJS.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular