Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesJim Paredes pumalag sa mga kontra sa pagpili ng Harvard kay Leni...

Jim Paredes pumalag sa mga kontra sa pagpili ng Harvard kay Leni Robredo

Pumalag ang legendary OPM artist na si Jim Paredes sa mga netizens na tila kontra sa pagkakapili ng Harvard Kennedy School kay dating Vice President Leni Robredo bilang Hauser Leader.

Sa isang tweet, nagbigay ng tugon si Paredes sa isang netizen na diumano’y hindi hanga sa pagkakapili ng Harvard kay Robredo dahil hindi diumano ito kwalipikado.

“Isang patol for breakfast because mas alam pa nila kesa sa Harvard kung sinong qualifed at hindi.” sabi ni @lakwatsarah na ipinagtanggol si Robredo sa netizen.

Nagbigay naman ng tugon si Paredes at sinabi na wala namang kwalipikasyon na magbigay ng opinyon ang mga netizens na kumokontra sa pagkakapili kay Robredo.

“These people are not even qualified to have an opinion.” ani Paredes.

Matatandaan na inanunsyo ng Center For Public Leadership (CPL) ng Harvard Kennedy School si Robredo para maging Hauser Leader kung saan ay magiging parte ito ng ilang mga aktibidad sa nasabing unibersidad.

Tinanggap naman ni Robredo ang nasabing imbitasyon.

 “A huge honor to be invited to Harvard Kennedy School’s Center for Public Leadership as one of its Hauser Leaders for the Fall 2022 semester,” sabi ni Robredo sa kanyang post.

“I’m both thrilled and humbled [to] be given this space to share my advocacies and experiences, alongside this roster of distinguished leaders from various fields and sectors,” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular