Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesCynthia Villar, nag-init ang ulo kay Ret. Gen. Madrigal: "Napakat*nga. Ayoko nang...

Cynthia Villar, nag-init ang ulo kay Ret. Gen. Madrigal: “Napakat*nga. Ayoko nang makipag-usap diyan”

Hindi nakapagpigil ng galit si Sen. Cynthia Villar sa diumano’y hindi pagta-trabaho ng maayos ng mga miyembro ng Philippine Coconut Authority (PCA)

Nakatanggap ng sermon mula kay Villar ang pinuno ng PCA na si Ret. Gen. Benjamin Madrigal Jr. na naging chief-of-staff din ng AFP dahil sa mabagal daw na implementasyon ng coco trust fund law.

Ang nasabing batas ay magbibigay ng malaking tulong sa maliliit na coconut farmers.

“Hijo, ang pinag-uusapan natin ngayon bakit, it was passed 2021, di ba’? February 2021. Ngayon is September 2022. Bakit hindi pa nai-implement mahigit na isang taon? 18 months na wala ka pa nai-implement. Kaya ako nawo-worry. Bakit pinipigil niyo ba ang implementation niyo?” tanong ni Villar.

Tugon naman ni Madrigal ay nagkakaroon sila ng kaunting pagkaantala dahil sa hindi pa nilalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang trust fund.

Hindi naman nagustuhan ni Villar ang mga sumunod na tugon ni Madrigal.

Hinamon ni Villar si Madrigal na mag resign dahil sa hindi naman nito tinutulungan ang mga magsasaka.

Kitang kita rin ang pangigigil ni Villar sa retiradong heneral.

“Ikaw ang head ng PCA eh hindi ba responsibility mo na ma-implement ‘yan? Eh di tawagan mo nang tawagan kung ayaw nila mag-request. Ikaw ang mag-follow up. Bakit ka magwa-wash ng hand diyan eh ikaw ang head ng PCA. Kung hindi mo kayang gawin ‘yan eh di mag-resign ka,” sabi ng senadora.

“Ang gulo gulo mo… Napakat*nga. Ayoko nang makipagusap diyan,” dagdag pa niya.

Sinabihan naman ni Villar si Sen. Imee Marcos na himukin si Pangulong Bongbong Marcos na palitan na si Madrigal bilang pinuno ng PCA.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular