Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesVice Ganda, binatikos matapos ang tugon nito sa paghingi ng tawad sa...

Vice Ganda, binatikos matapos ang tugon nito sa paghingi ng tawad sa kanya ng pamangkin ni PBBM

Usap-usapan ngayon sa Twitter ang tila sagutan sa pagitan ng komedyante na si Vice Ganda at TV5 Entertainment journalist na si MJ Marfori.

Si Marfori ay pamangkin ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na isa sa mga nagbibigay ng showbiz reports sa News5.

Nag-umpisa ang isyu matapos maglabas ng report ang News5 tungkol sa diumano’y iringan sa pagitan ni Vice at Marian Rivera.

READ MORE: Vice Ganda, pinuna ang report ng News5 tungkol sa kanila ni Marian Rivera: “Yuck! Super yuck! Mema?”

Si Marfori ang nagsasalita sa nasabing report, kaya naman agad na ipinaliwanag ng journalist na hindi sa kanya galing ang istorya tungkol kay Vice at Marian.

Sa una ay tinawanan na lamang ni Marfori ang kanyang paliwanag kay Vice, ngunit tila hindi ito nagustuhan ng komedyante ang paggamit ng reporter ng ‘laugh emoji’.

“Also, hindi ko trip ang emoji mo! May nagjoke po ba?” ani Vice.

Humingi naman ng paumanhin si Marfori kay Vice.

“I apologize. I was just surprised and caught off guard that I was tagged in the story. I didn’t mean to offend.” tugon ng journalist.

Sa huli ay ang naging tugon ni Vice sa paghingi ng tawad ni Marfori ay madaming ‘laugh react’.

Larawan mula aky @vicegandako

Hindi naman nagustuhan ng ilang netizens sa malamig na tugon ni Vice kay Marfori.

“So thats how we should accept apologies now?” ani @Ken_Invictus.

“Very mature ng response ha?” sabi ng isa pang netizen.

Ngunit may ilang netizens naman ang ipinagtanggol si Vice.

“The point here is how irresponsible a news outlet is in delivering their story. Such event can be easily mistaken and just as how many were taken aback by the video, of course many will talk about it causing more issue. Which celebrity wants to associate their name with an issue?” sabi ni @_sizeyindaeyo.

“Dami galit sa reply ni vice ha hahahaha e unang nangtrigger yung mj. In the first place, serious matter yon. lol u want vice to be professional pero hindi naman sya tinake seriously. hindi porke comedian, wala na pakiramdam,” wika ni @pastelphile.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular