Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesVhong Navarro, nagsalita matapos kasuhan dahil sa diumano'y pananamantala kay Deniece Cornejo:...

Vhong Navarro, nagsalita matapos kasuhan dahil sa diumano’y pananamantala kay Deniece Cornejo: “Alam ng Panginoon nagsasabi ako ng totoo”

Itinanggi ng aktor na si Vhong Navarro ang mga akusasyon laban sa kanya ng kampo ni Deniece Cornejo.

Matatandaan na pormal ng kinasuhan ng Taguig prosecutor’s office si Navarro dahil sa pananamantala nito diumano kay Cornejo noong Enero 2014.

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN itinanggi ni Navarro na mayroon siyang ginawang masama kay Cornejo at alam diumano ito ng nasa itaas.

“Ang tanging pagkakasala ko ay niloko ko ‘yung girlfriend ko at ito na ‘yung wife ko ngayon,” ani Navarro. “Nilahad ko ‘yung istorya ko at ‘yun ang katotohanan.”

“Lahat ng binibintang nila sa akin ay hindi totoo… At alam ng Panginoon na nagsasabi ako ng totoo,” dagdag niya pa.

Inamin naman ni Navarro na kahit alam niya na inosente siya ay kinakabahan siya sa pagbuhay muli ng kaso laban sa kanya.

Samantala ay ikinatuwa naman ng kampo ni Cornejo ang naging desisyon ng Court of Appeals na buhayin muli ang kaso.

“We have always believed in the justice system, and we continue to stand staunchly behind Ms. Cornejo in her long, painful journey to seek the truth and expose the lies against her for all to see,” ani Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Cornejo.

Sa ngayon ay hati ang reaksyon ng mga netizens sa isyu na kinakaharap ni Navarro.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular