Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesToni Gonzaga at Paul Soriano, ganap ng 'Capamella' matapos pumirma ng kontrata...

Toni Gonzaga at Paul Soriano, ganap ng ‘Capamella’ matapos pumirma ng kontrata sa AMBS

Pumirma ng kontrata ang television host na si Toni Gonzaga at kanyang asawang si Direk Paul Soriano sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) 2.

Nitong Biyernes, Septyembre 2 ay inanunsyo ni Toni na magiging parte na siya ng tinaguriang Villar Network na pagmamay-ari ng bilyonaryong si Manny Villar.

“Thank you for the warm welcome AMBS. I’m so happy to be part of your family! I’m so excited for our partnership and I can’t wait to share with you all what we have been working on in the coming days,” ani Gonzaga sa kanyang post.

Mapapabalita na magkakaroon ng isang talkshow si Toni kasama si Mariel Rodriguez at Karla Estrada sa nasabing istasyon.

Ngunit wala pang kumpirmasyon kung ano nga ba talaga ang mga magiging programa ng host sa Villar Network.

Inulan naman ng pagbati sa kanyang mga fans si Toni sa kanyang nalalapit na pagbabalik sa telebisyon.

 

Matatandaan na napuno ng kontrobersya si Toni ng magpakita siya ng suporta nitong kampanya kay Pangulong Bongbong Marcos na binatikos ng kanyang mga kasamahan sa dati niyang istasyon na ABS-CBN.

Sa gitna ng pambabatikos sa kanya ay nagdesisyon si Toni na umalis ng tuluyan sa ABS-CBN matapos ang ilang dekada niyang pamamalagi dito bilang talent.

Isa sa mga nambatikos kay Toni ay ang dancer sa ABS-CBN na si Dawn Chang.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular