Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesSass Rogando Sasot, may ipinaalala kay Atty. Jesus Falcis: "May ginawa ba...

Sass Rogando Sasot, may ipinaalala kay Atty. Jesus Falcis: “May ginawa ba si Leni when Kris threatened your brother?”

Nagpalitan ng maaanghang na mensahe ang dalawang LGBT activist na si Sass Rogando Sasot at Atty. Jesus Falcis.

Nag umpisa ang pagtatalo sa pagitan ng dalawa ng kwestiyonin ni Sasot ang financial statements ng ‘Ang Ladlad Party-list’ na itinatag ni Prof. Danton Remoto.

Binatikos ni Remoto si Sasot tungkol sa naging career nito sa The Netherlands.

Hindi naman ikinatuwa ni Sasot ang mga akusasyon ni Remoto laban sa kanya kaya naman kinuwestiyon nito kung saan napupunta ang pera ng Ladlad.

To the rescue naman si Atty. Falcis at sinabihan si Sasot na pumunta na lamang sa Commission on Elections (COMELEC) kung gusto nitong malaman ang financial statements ng Ladlad.

Ipinagtanggol din ni Falcis si dating Vice President Leni Robredo na paboritong batikusin ni Sasot.

Bilang tugon ay ipinaalala ni Sasot kay Falcis kung ano ang naitulong niya sa abogado noong kinakaharap nito ang isyu ni Kris Aquino at kapatid niyang si Nicko Falcis.

Matatandaan na hinarap ng mga Falcis ang bagsik ni Aquino dahil sa diumano’y perang ginastos ng kapatid ng abogado ng hindi alam ng television host.

Ayon kay Sasot ay naman diumano tumulong si Robredo kay Falcis ng kinakaharap nila ang mga akusasyon ni Aquino.

“Si Jesus Falcis, kaunting hikbi tingkol kay Leni super defend. Pero noong hinahaggard ni Kris pamilya nya kahit dighay ni Leni wala. Kaya nga sa amin lumapit. Don’t you get it accla?” ani Sasot.

“Habang ang mga kakampw*ts mo eh sinsangayunan si Kris na nagnakaw sa kanya kapatid mo, kami nagtatanggol sa inyo.” sabi pa ni Sasot.

 

Sa ngayon ay wala pang tugon si Falcis sa mga banat sa kanya ni Sasot.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular