Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesRendon Labador, pumalag sa hamong 1-on-1 ni Marc Pingris: "Kilalanin niyo ang...

Rendon Labador, pumalag sa hamong 1-on-1 ni Marc Pingris: “Kilalanin niyo ang hinahamon niyo”

Hinamon ni dating San Mig Coffee Mixers at Gilas Pilipinas player na si Marc Pingris ang motivational speaker na si Rendon Labador sa 1-on-1 basketball.

Ito’y matapos batikusin ni Labador ang kasalukuyang coach ng Gilas Pilipinas na si Chot Reyes na matatandaang inulan ng ‘boo’ ng mga manonood nitong Agosto 29.

“Hindi tayo mananalo sa puro paawa effect,” ani Labador.

Dahil dito ay hinamon ni Pingris si Labador ng basketball bilang tugon sa pambabatikos ng motivational speaker kay Reyes.

“Rendon Labador.. Idol balita ko magaling ka daw sa basketball 1on1 tayo san at kaylan mo gusto pupuntahan kita,” ani Pingris.

Sinagot naman ito ng manager ni Labador at sinabi na maaring magkaharap si Pingris at ang motivational speaker sa Battle of the Youtubers.

Payag naman diumano si Labador sa hamon ni Pingris kahit na hindi na siya makatanggap ng talent fee.

Pero ayon kay Pingris ay gusto niya ay silang dalawa lang talaga ni Labador ang maglaro at walang camera o Youtuber na kasama.

Sa isang video naman ay tinanong ni Labador kung talaga bang seryoso si Pingris na labanan siya.

“Siguraduhin niyo na alam niyo ang pinapasok niya at kilalanin niyo ang hinahamon niyo,” ani Labador.

Ipinagtanggol din nito ang kanyang sinabi laban kay Reyes at sinabi na may mga mas mga karapat dapat pang coach na maaring pumalit dito.

Hindi rin nito maintindihan kung bakit ayaw ni Pingris na mayroong camera na nakatutok sa kanila kapag nag 1-on-1 sila.

“Ano yan magyayakapan tayo? Hinamon mo ako, ikaw ang humamon wala na nga akong TF.” aniya.

“Kasi alam mo ba ang Battle of the Youtubers, may tinutulungang charity yan. Kahit huwag mo na akong bayaran boss MG. Ituloy mo ‘yung laban, kung lalaban si Marc Pingris.” dagdag pa nito.

Wala pang opisyal na tugon si Pingris sa banat ni Labador sa kanya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular