Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesPing Lacson binatikos si Loren Legarda: "I cannot for the life of...

Ping Lacson binatikos si Loren Legarda: “I cannot for the life of me agree with her stand,”

Hindi ikinatuwa ni dating senador Panfilo “Ping” Lacson ang naging posisyon ni senador Loren Legarda pagdating sa CPP-NPA-NDF.

Matatandaan na isinusulong ni Legarda ang pag-amyenda sa Anti-Terrorism Act at sinabi rin ng senadora na hindi kalaban ng estado ang komunistang grupo.

“Senator Legarda is a friend and I respect her opinion but I cannot for the life of me agree with her stand, apparently articulated by her statement that the CPP-NPA-NDF is not an enemy of the state.” ani Lacson.

Ipinaliwanag nito na kahit ang ibang bansa ay itinuturing na kalaban ang CPP-NPA-NDF.

Malaking kawalan din ng respeto diumano sa mga sundalo at sibilyan na naging biktima ng CPP-NPA-NDF ang kagustuhan ni Legarda na baguhin ang anti-terrorism act.

“Having authored and sponsored and almost single-handedly defended the legislative measure in the Senate plenary, as well as in the battle for public opinion in many fora including the media, I will not hesitate to be part of the opposition to thwart moves to amend this law in its substantive form which no less than the Supreme Court has declared as constitutional.” aniya.

Matatandaan na inamin ni Legarda na nakatrabaho niya noon ang mga makakaliwang grupo at mayroon ding paniniwala ang komunistang grupo na nagustuhan niya.

Samantala ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang AFP kung aalisin nga ba nila ang ranggo ni Legarda sa Philippine Air Force (PAF) reservist dahil sa pagsuporta nito sa kalaban ng estado.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular