Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesNews5, humingi ng paumanhin tungkol sa ulat nila kay Vice Ganda

News5, humingi ng paumanhin tungkol sa ulat nila kay Vice Ganda

Humingi ng paumanhin ang News5 sa komedyante na si Vice Ganda matapos ang kanilang report tungkol sa diumano’y natuldukang iringan nila ni Marian Rivera.

Matatandaan na nitong Septyembre 1 ay ibinalita ng News5 na nagkaroon ng isyu sa pagitan ni Vice at Marian dahil sa diumano’y ‘pang-o-okray’ ng komedyante sa grammar ng aktres.

“Ha??????!!!!!!!!!!! San galing ang balitang to?????? Nagkaissue kami? Iringan??!!!!! Pauso! Yuck! Super yuck! Mema???!!!” ani Vice.

READ MORE: Vice Ganda, pinuna ang report ng News5 tungkol sa kanila ni Marian Rivera: “Yuck! Super yuck! Mema?”

Itinanggi naman nito ni Vice at tinawag na ‘basura’ ang balita.

Matapos ang reklamo ni Vice ay agad nagbigay ng erratum ang “Frontline Sa Umaga,” at nilinaw na hindi totoo ang balita tungkol sa iringan ni Vice at Marian.

“We issued an erratum this morning on #FrontlineSaUmago for yesterday’s erroneous news report. Rest assured, we are reviewing internel processes to make sure this doesn’t happen again,” sabi ng News5 reporter na si Gretchen Ho.

Nagpasalamat naman si Vice sa mabilis na paghingi ng paumanhin ng News5.

Larawan mula kay @vicegandako/Twitter

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Marian tungkol sa nasabing balita ng News5.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular