Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesMga LGBT nagdiwang matapos ipatupad ng DepEd ang 'gender-responsive policy' sa mga...

Mga LGBT nagdiwang matapos ipatupad ng DepEd ang ‘gender-responsive policy’ sa mga paaralan

Nagkaroon ng isang malaking panalo ang LGBTQIA+ community sa Pilipinas.

Ito’y matapos ihayag ng Department of Education (DepEd) sa kanilang memorandum na kailangan ipatupad ng mga paaralan ang Order No. 32 s. 2017  ang Gender Responsive Basic Education Policy.

Ang nasabing utos ay inaatasan ang mga paaralan na sundin ang mga prinsipyo ng “gender equality, gender equity, gender sensitivity, non-discrimination, and human rights in the provision and governance of basic education.”

Ginawa ang nasabing utos upang maprotektahan ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community na pumapasok sa mga paaralan.

Ibinahagi ni Miss Trans Global 2020 Mela Franco Habijan ang nasabing memorandum.

“WE FINALLY WON THE BATTLE! DepEd Philippines HEARD US!” ani Habijan.

“​​LGBTQIA+ kids, starting today, we will be free to be us in school! From this day on, all trans and non-binary students and teachers can express in the gender that they identify as! No LGBTQIA+ students will be discriminated due to their identities, orientation, and expression.” dagdag niya pa

Matatandaan na nag-viral sa social media ang ilang post ng mga LGBT na napilitan magpagupit ng buhok dahil sa polisiya ng mga eskwelahan.

Ang ilan naman ay napipilitan din na magsoot ng panlalaking uniform kahit na ang tingin nila sa kanilang sarili ay isa silang babae.

Hindi naman malinaw kung kasama ba sa nasabing memorandum ang pag-aalis ng mga nasabing polisiya na diumano’y nakakasakit sa ilang miyembro ng LGBT dahil sa hindi nila maipakita ang tunay nilang sarili.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular