Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesVice Ganda, pinuna ang report ng News5 tungkol sa kanila ni Marian...

Vice Ganda, pinuna ang report ng News5 tungkol sa kanila ni Marian Rivera: “Yuck! Super yuck! Mema?”

Binatikos ni Vice Ganda ang report ng NEWS5 tungkol sa diumano’y iringan nila ni Marian Rivera.

Sa nasabing report, sinabi na natapos na diumano ang iringan sa pagitan nila ni Marian sa kanilang pagkikita sa isang party.

Nag umpisa diumano ang iringan matapos daw ‘okrayin’ o gawing katatawanan ng komedyante ang grammar ng Kapuso actress.

Ngunit ayon kay Vice ay hindi totoo na nagkaroon sila ng iringan ni Marian.

“Ha??????!!!!!!!!!!! San galing ang balitang to?????? Nagkaissue kami? Iringan??!!!!! Pauso! Yuck! Super yuck! Mema???!!!” ani Vice.

“Super kadiri yung mga balitang mema! Eeeooooowwwwww!!!! Clickbait???!!!! Fake news????!!!! T*E!” dagdag niya pa

Nagbigay naman ng tugon ang NEWS5 reporter na si Gretchen Ho na siyang nagdeliver ng nasabing balita.

“Hi Vice, will investigate and send this to our producers.” ani Gretchen.

Tila hindi rin nagustuhan ni Vice ang tugon sa kanya ng entertainment journalist ng TV5 na si MJ Marfori.

Itinanggi kasi ni Marfori na sa kanya galing ang nasabing istorya na ipinalabas sa NEWS5.

Matatandaan na sa TV5 na nagmamay-ari ng NEWS5 kasalukuyang ipinapalabas ang programa ni Vice na It’s Showtime kaya naman nagiging paksa siya ng nasabing istasyon.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Marian kung totoo nga ba na nagkaroon sila ng iringan ni Vice.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular