Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesPastor Apollo Quiboloy, may banat kay Sen. Loren Legarda: "I will campaign...

Pastor Apollo Quiboloy, may banat kay Sen. Loren Legarda: “I will campaign against you!”

Nagbanta si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy na mangangampanya siya laban kay Sen. Loren Legarda dahil sa pagsuporta nito sa CPP-NPA-NDF.

Ito’y matapos aminin ni Legarda na nakipagtulungan siya noon sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Inamin din nito na pabor siya sa ilang idelohiya ng nasabing grupo.

“I have worked with the NDF and I’m not ashamed of it. I agreed with them on many subject matters that are close to our hearts,” aniya.

Sa tingin din ni Legarda ay hindi naman maaring tawaging iligal ang paniniwala sa makakaliwang idelohiya.

Hindi nagustuhan ni Quiboloy ang sinabing ito ni Legarda na ilang beses niyang sinuportahan noong tumakbo ito sa national position.

“We’re on the opposite side now and I know where she stands, she is really an advocate of the other side,” ani Quiboloy.

“Bilang senador, pinagkakatiwalaan ka namin pagkatapos ‘yung stand mo ganun? I feel so disheartened and disappointed because I look at her as a personal close friend,” dagdag niya pa.

Nangako naman si Quiboloy na hinding hindi niya na ikakampanya si Legarda.

“If you run again next time, I’m sorry to say senator I will campaign against you because of your stand. Sa susunod, ang iboboto natin ang tunay na nagmamahal sa ating bansa,” aniya pa.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Legarda tungkol sa mga banat sa kanya ni Quiboloy.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular