Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesLoren Legarda, posibleng mawalan ng ranggo sa Philippine Air Force reserve dahil...

Loren Legarda, posibleng mawalan ng ranggo sa Philippine Air Force reserve dahil sa kanyang suporta sa CPP-NPA-NDF

Naniniwala si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na maaring matanggalan ng ranggo sa Philippine Air Force Reserve si Senador Loren Legarda.

Ito’y matapos sabihin ni Legarda na walang sapat na batayan ang gobyerno upang ideklarang kalaban ng estado ang CPP-NPA-NDF.

“I do not recall what law or what pronouncement of government has declared the Communist Party of the Philippines or similar organizations, movements, beliefs, or associations could be declared as enemies of the state. It’s so difficult to identify that,” ani Legarda.

“I say that not in contrary to my good friend Senator Tolentino’s manifestation today, or those who wish to associate with them. I stand here as someone who has worked with the so-called ‘left’ of this country and was admired many of those who shared the same vision for our country who may belong to those who are considered ‘left of center’ and there is nothing wrong with that, Mr. President,” dagdag niya pa.

Ayon kay Dela Rosa ay kailangan mamili ni Legarda kung papanig ba siya sa gobyerno o sa kalaban ng estado lalo na’t isa siyang senador at reservist.

“Pwedeng ma-question ang kanyang loyalty.. dahil hindi pupwedeng pula-puti ka kapag nasa serbisyo ka. Hindi pwedeng kaliwa-kanan ka kung you are wearing the uniform.” ani Dela Rosa.

“Kung magpapakita ka ng simpatya doon sa mga kalaban ng estado, kwestyunable ‘yung personalidad mo,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang AFP tungkol sa pagpapakita ng suporta ni Legarda sa makakaliwang grupo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular