Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesIstorya ni Jorryme, Ales Vodisek at Shaira Mae itatampok sa KMJS

Istorya ni Jorryme, Ales Vodisek at Shaira Mae itatampok sa KMJS

Binigyan ng pagkakataon ni Jorryme Vodisek ang kanyang Slovenian national na asawa na si Ales Vodisek at bestfriend nito na si Shaira Mae Boyonas na humingi ng tawad sa kanya.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Jorryme na bibigyan niya hanggang 3PM ng September 1 si Ales at Shaira Mae na humingi ng tawad sa kanya kahit na ipaabot na lamang ila ito ng pribado.

Ito’y matapos ibahagi ni Jorryme na itatampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang istorya nilang tatlo.

“ANG CUT OFF TIME PO NG PRIVATE APOLOGY NATIN AY 3:PM THIS AFTERNOON. (09-01-22) MAY EXTENSION FIVE MINUTES PAG NA LATE TATANGGAPIN PA DIN. BETTER PM ME NOW KUNG AYAW SUMIKAT. TO THOSE PEOPLE WHO KNOW ME WELL YOU CAN TAG THEM.” ani Jorryme.

Larawan mula kay Jorryme Vodisek

Ngunit matapos ang kanyang paghihintay ay wala naman diumanong Ales o Shaira Mae na nagpadala sa kanya ng mensahe.

Inaabangan naman ng mga netizens kung ano ang mangyayari sa nasabing episode ng KMJS.

Sumikat si Jorryme sa social media matapos niyang ireklamo si Shaira Mae dahil sa tila inaagaw nito ang eksena ng kanyang kasal.

Itinanggi naman ni Shaira Mae na mayroon silang relasyon ni Ales at iginiit nito na magkaibigan lamang sila.

Hinimok naman ni Ales ang kanyang asawa na si Jorryme na magpatingin sa espesyalista dahil sa posibleng may problema na ito sa pag-iisip.

Itinanggi naman ni Jorryme ang mga paratang ng kanyang asawa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular