Wednesday, October 5, 2022
HomeSocial Media'Harutan' ni Rep. Sandro Marcos at Rep. Aniela Tolentino, binatikos ni Manuel...

‘Harutan’ ni Rep. Sandro Marcos at Rep. Aniela Tolentino, binatikos ni Manuel Quezon III

Naging usap-usapan sa social media ang video kung saan nakunan si Ilocos Norte 1st district Representative  Sandro Marcos at Cavite 8th district Representative Aniela Tolentino na tila naghaharutan sa gitna ng sesyon.

Makikita sa nasabing video ang pagsasalita ni Tolentino, habang nakatingin naman sa kanya si Marcos.

Ilang sandali ay natawa bigla si Tolentino sabay hampas kay Marcos.

Matapos nito ay natatawang lumayo si Marcos kay Tolentino.

Habang ang ilan ay tila kinilig sa nasabing video ay may ilan naman na personalidad ang hindi ito nagustuhan.

Tinawag na ‘kindergaten in suits’ ang manunulat na si Manuel Quezon III ang dalawang kongresista.

“Today’s version of Congressmen Behaving Badly aka Kindergarten in Suits,” ani Quezon.

“Not that the House doesn’t have a long tradition of behaving badly in public. But they did things like kick each other in the shins at least,” dagdag niya pa.

Si Quezon III ay apo ni dating pangulong Manuel L. Quezon.

Samantala ay ilang netizens naman ang napatanong kung may espesyal na nga bang relasyon sa pagitan ng dalawang kongresista.

Matatandaan na na-link si Marcos sa aktres na si Alexa Miro.

Ngunit itinanggi ni Miro na mayroon silang relasyon ng mambabatas.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular