Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesBryanboy sinagot ang mga batikos sa kanya matapos niyang ihayag na hindi...

Bryanboy sinagot ang mga batikos sa kanya matapos niyang ihayag na hindi siya naniniwala sa Diyos

Nagbigay ng reaksyon ang fashion blogger na si Bryanboy sa mga pambabatikos na kanyang natanggap simula ng ihayag niya na hindi siya naniniwala sa Diyos.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang mga pahayag ni Bryanboy tungkol sa kanyang paniniwala.

“Yes, the rumors are true. Hindi po ako naniniwala sa Diyos ninyo. I’m not a Catholic. Like a lot of people in the world, I don’t believe in God, especially, I don’t believe in your God,” sabi ni Bryanboy sa kanyang post.

READ MORE: Bryan Boy, sinabing sayang lang ang oras niya sa pagpunta sa simbahan: “I don’t believe in God”

Sa kanyang video, ibinahagi niya ang mga tugon niya sa mga netizens na hinusgahan ang kanyang pagkatao dahil sa kanyang paniniwala.

Ang ilan sa kanyang mga tugon ay idinaan niya na lamang sa biro.

Nilinaw naman niya na hindi siya manghuhusga o magdadasal ng masama para sa mga bumabatikos sa kanya.

“Sumabog nanaman ang internet dahil sa akin! At least ako I try my best na hindi manghusga ng mga hindi ko kakilala at hindi ako nagwiwish ng masama towards others. Key phrase: i try my best, ha! Tao ako. Hi hi hi! Salamat po napatawa nyo ako.”

Ilang netizens naman ang ipinagtanggol si Bryanboy mula sa kanyang mga kritiko.

“We should be more human and stop judging other people’s belief. Sometimes those people who don’t have religion never mind others business and just do their thingy to succeed in life. They don’t wanna waste time and effort in judgment.” sabi ni Jean JCP.

“Kasi naaamaaan.. mga kinakapatid may kanya kanya kasi tayong paniniwala katulad ng pagkakaiba ng mga relihiyon natin. Mas nakakahiya sa relihiyon na pinaniniwalaan nyo kng magsasalita kayo o magwiwish ng di maganda para sa kapwa nyo…” wika ni Angel Tablan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular