Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesBryan Boy, sinabing sayang lang ang oras niya sa pagpunta sa simbahan:...

Bryan Boy, sinabing sayang lang ang oras niya sa pagpunta sa simbahan: “I don’t believe in God”

Inamin ng internet celebrity at fashion blogger na si Bryan Boy na hindi siya naniniwala sa Diyos.

Ito ang pagmamalaki niyang pahayag sa isa sa kanyang mga videos kung saan ay hinimok niya ang kanyang mga fans na huwag na siyang pilitin pa na maniwala sa Diyos.

“Yes, the rumors are true. Hindi po ako naniniwala sa Diyos ninyo. I’m not a Catholic. Like a lot of people in the world, I don’t believe in God, especially, I don’t believe in your God,” sabi ni Bryanboy sa kanyang post.

Ipinaliwanag din ng blogger na karamihan ng mga relihiyosong bansa ay maituturing na mahirap.

“Kung mapapansin ninyo, most of the religious people they live in poor countries like Africa, some parts of Asia and South America,” aniya.

“’Kaya wag niyo na po isaksak sa baga ko ang pinaniniwalaan niyo. Kung naniniwala po kayo sa Diyos. Fine. I’m happy for you and I respect you. You have the right to believe in God and I also have the right not to believe in God. Diyos niyo ‘yan magdasal na lang kayo.” dagdag niya pa.

Hindi naman napigilan ng ilang netizens na batikusin ang blogger lalo na’t karamihan sa mga fans niya ay galing sa isang Katolikong bansa.

May ilan pa na kinuwestiyon kung bakit siya nagdidiwang ng pasko kung hindi naman pala siya naniniwala sa Diyos.

Wala pang tugon si Bryanboy sa pambabatikos na kanyang natanggap.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular