Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesArnold Clavio, sinabing naiyak si Jose Mari Chan sa rehearsal nito para...

Arnold Clavio, sinabing naiyak si Jose Mari Chan sa rehearsal nito para sa paglabas niya muli sa TV

Matapos ang tatlong taon ay lumabas na muli sa telebisyon ang tinaguriang ‘Father of Philippine Christmas Songs’ na si Jose Mari Chan.

Nitong Septyembre 1 ay muling nakita ng mga manonood sa telebisyon si Chan sa morning program ng GMA na Unang Hirit.

Todo ang pasasalamat ni Chan sa pagkakataon na ibinigay sa kanya upang makakanta ulit sa telebisyon matapos ang tatlong taon niyang pagpapahinga.

“Thank you for inviting me. I was waiting. ‘Kailan kaya ako iimbitahin ng Unang Hirit?'” ani Chan.

Ibinahagi din ng mamamahayag na si Arnold Clavio na naiyak ang mang-aawit habang nagre-rehearse ito para sa kanyang paglabas muli sa telebisyon.

Naging parte na ng ‘ber’ months si Chan dahil sa kanyang mga awitin.

Isa sa kanyang mga pinakasikat na awitin ay ang ‘Christmas In Our Hearts’ na hindi mawawala sa mga pinapatugtog kapag Pasko.

Ngunit patuloy parin itong nagiging mapagkumbaba at sinabi na dapat ay hindi siya tawaging ‘Father of Christmas Music’.

“I sincerely say, please do not call me ‘Father of
Christmas Music.’┬áI’m not the ‘Father of Christmas Music,’ absolutely not. No, no, no. But for my┬ásongs to be associated with the Christmas season, that is a blessing.” ani Chan.

“That song, ‘Christmas in Our Hearts, is 32 years old, and it continues to be┬ásung and appreciated, and loved by our countrymen, young and old alike.” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular