Monday, September 26, 2022
HomeSocial MediaABS-CBN at TV5, hindi na matutuloy ang partnership deal

ABS-CBN at TV5, hindi na matutuloy ang partnership deal

Hindi na matutuloy ang partnership deal sa pagitan ng dalawang TV network giants na ABS-CBN at TV5 matapos itong mabalot ng kontrobersya.

Sa kanilang pahayag, sinabi rin ng ABS-CBN na hindi narin matutuloy ang merger sa pagitan ng Sky Cable at Cignal.

“In disclosures to both the Philippine Stock Exchange and the Securities Exchange Commission today, Sky Vision Corporation (“Sky Vision”), ABS-CBN Corporation, Lopez, Inc., and Cignal Cable Corporation (“Cignal Cable”), announced that they have mutually agreed to terminate the Sale and Purchase Agreement dated August 10, 2022 covering the proposed acquisition by Cignal Cable of 38.88 percent equity interest in Sky Cable Corporation and the Debt Instruments Agreement dated August 10, 2022 covering the proposed subscription by Cignal Cable to an Exchangeable Debt Instrument to be issued by Sky Vision and the proposed acquisition by Cignal Cable of a Convertible Note issued by Sky Cable,” ayon sa inilabas na mensahe ng ABS-CBN.

Matatandaan na pumalag ang ilang kongresista noon sa nasabing plano ng ABS-CBN at TV5 dahil sa diumano’y posibleng nilulusutan ng Kapamilya network ang batas kung saan kinakailangan ng prangkisa ng isang TV network upang makapag-operate.

Dahil dito ay balak muli ng mga kongresista na imbestigahan ang ABS-CBN at kasama na dito ang TV5.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular