HomeCelebritiesPambansang Kolokoy at asawa niyang si Marites, hiwalay na: "I'm with someone...

Pambansang Kolokoy at asawa niyang si Marites, hiwalay na: “I’m with someone else now and we’re happy”

Kinumpirma ng sikat na vlogger na si Joel Mondina o mas kilala bilang si ‘Pambansang Kolokoy’ ang paghihiwalay nila ng kanyang misis na si Marites Mondina.

Sa isang video nitong Agosto 30, sinabi ni Joel na idinadaan na nila sa legal na proseso ang kanilang paghihiwalay ni Marites kaya’t pili lamang ang kanyang mga maibabahagi impormasyon sa ngayon.

Residente ng US si Joel at Marites kaya naman posible na nasa proseso na sila ng diboryso.

“Sa lahat po ng mga nagke-question [ng] nasaan na si Marites? How come wala na si Marites sa mga videos mo? Hiwalay na ba kayo ni Marites? Ok, para po magkaroon na kayo ng peace of mind, and hopefully matapos na yong mga iniisip isip niyo, what’s going on in your mind, in your brain… Yes, mga kaibigan, Marites and I, we are no longer together,” ani Joel.

pambansang kolokoy 1

Ngunit ayon sa kanya ay mayroon na siyang bagong karelasyon at masaya siya sa kanyang piling.

“Wala na po kami ni Marites. And, ayaw ko pa sana magsalita kasi meron pa kaming process na ginagawa ngayon. Am I with someone else? Yes, I’m with someone else now and we’re happy.” aniya.

Patuloy naman diumanong susuportahan ni Joel ang kanilang mga anak.

Wala naman siyang masabing masama sa kanyang dating asawa at nagpasalamat pa ito dahil sa masaya nilang relasyon ng dalawang dekada.

“Hindi ko rin naman sisiraan si Marites dahil for 20 years, we had good times din naman. Plus, nanay siya ng mga anak ko and nag-uusap pa rin kami every once in a while about the kids.” wika niya.

Nakilala si Joel at Marites dahil sa kanilang mga nakakatuwang video kung saan ay palabiro na laging nagkakaroon ng selosan ang dalawa.

20 na taon na naging mag-asawa ang dalawa.

Hindi naman ibinahagi ni Joel kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Marites.

Ngunit tila ang kanilang mga ‘prank’ sa isa’t isa ay nagkatotoo na.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular