HomeSportsManny V. Pangilinan, ikinalungkot ang naging trato ng fans kay Chot Reyes

Manny V. Pangilinan, ikinalungkot ang naging trato ng fans kay Chot Reyes

Ikinalungkot ng pinuno ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na si Manny V. Pangilinan ang naging trato ng mga basketball fans kay Coach Chot Reyes ng Gilas Pilipinas nitong Agosto 29.

Matatandaan na ilang beses nakatanggap ng ‘boo’ mula sa mga manonood sa Mall of Asia (MOA) arena si Reyes kada babanggitin ang pangalan nito o di kaya’y ipapakita ang mukha niya sa jumbotron sa gitna ng laban ng Gilas at Saudi Arabia.

Nanalo man ang Pilipinas laban sa Saudi sa puntos na 84-46 ay hindi parin naiwasan ni Pangilinan ang malungkot dahil personal niyang narinig ang pag-boo ng mga fans.

Nakiusap naman ang bilyonaryo na sana’y suportahan ng mga fans ang lahat ng miyembro ng Gilas kasama na dito si Reyes.

“Nice game tonight, Gilas. Thank you. Sad to hear reaction of OUR crowd to Coach Chot. Dwight put it well – grateful indeed for your support but pls support all of us. Amen.” ani Pangilinan.

Ilang netizens naman ang matapang na nagbigay ng tugon sa tweet ni Pangilinan.

“If you support Chot Reyes up to now then you are a part of the problem. Better resign and give that position to someone else or your name will be the next one to be booed.” ani @us7ig3rs.

“Hear the voice of the people, there are better coaches out there. Yung hindi narciasistic at walang pan sariling agenda. Matindi politika sa grupo nyo. Salamat pa din MVP sa pag finance sa Gilas, but we deserve a better coach.” wika ni @bigdadimarlon.

Samantala ay sinabi naman ni Reyes na handa niyang tanggapin ang pambabatikos sa kanya ng mga fans basta’t huwag lamang idamay ang kanyang mga players.

READ MORE: Sad boy yarn? Chot Reyes hinimok ang mga fans na sa kanya lang ibuhos ang galit nila

“For me, I’d rather get booed by the crowd than the players get booed. Boo-hin ninyo na ako ng todo, huwag niyo lang boo-hin yung mga players. Suportahan ninyo lang yung mga players. That is fine with me,” ani Reyes sa press conference na ginanap matapos ang laban ng Gilas.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular