HomeSocial MediaKatrina Ponce-Enrile, nakiusap sa mga netizens na huwag isama sa politika ang...

Katrina Ponce-Enrile, nakiusap sa mga netizens na huwag isama sa politika ang ‘Delimondo’

Nakiusap si Katrina Ponce-Enrile sa mga netizens na sana’y huwag ng idamay pa ang kanilang produkto na Delimondo sa usapin sa politika.

Ito’y matapos manawagan ang ilang netizens na i-boycott ang lahat ng produkto ng Delimondo dahil sa pagmamay-ari ito ng pamilya Enrile.

Si Juan Ponce Enrile ang kasalukuyang presidential legal counsel ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na hindi parin tinitigilan na batikusin ng kanyang mga kritiko.

“Delimondo is known for their corned beef, but we do have other products equally as good as our corned beef. Can we not make this political. I created Delimondo. My family name just happened to be Ponce Enrile,” ani Ponce-Enrile.

Matatandaan na noong 2018 ay nagkaroon narin ng pambo-boycott ng ilang netizens sa nasabing brand.

“With great reluctance I am now boycotting the otherwise excellent corned beef of Delimondo and all other JAKA group products, services, and properties.” sabi ni Maoi Arroyo.

“Because Enrile is one of the slimiest politicians in a country where the average politician flings idiocy from their pores and their policies shape shift to suit the most effective strategy to steal from us.” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung eepekto nga ba ang pambo-boycott ng ilang netizens sa corned beef na minahal na ng taumbayan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular