HomeSocial MediaIna ni Jovelyn Galleno, hindi maitago ang emosyon ng kumpirmahin ng DNA...

Ina ni Jovelyn Galleno, hindi maitago ang emosyon ng kumpirmahin ng DNA na wala na ang kanyang anak

Hindi naitago ng pamilya Galleno ang kanilang emosyon ng maipaalam sa kanila kung ano ang naging resulta ng DNA examination sa kalansay na nakita sa Barangay Sta. Lourdes sa Puerto Princesa Palawan.

Ayon sa scientific findings ng PNP Puerto Princesa ay 99.9% na ipinakita ng resulta ng DNA na si Jovelyn Galleno nga ang nakitang kalansay.

Itinuro ng isa sa mga suspek na kinaroroonan ng nasabing kalansay kasama ang mga gamit ni Jovelyn.

Sa nasabing video ay makikita ang ina ni Jovelyn at ang kapatid nito na palabas sa opisina kung saan ipinaalam sa kanila ang malungkot na katotohanan.

Makikita ang panlulumo at pag-iyak ng pamilya Galleno habang tumatangi sila na magbigay ng panayam sa media.

Tila kumbinsido naman ang pamilya sa naging resulta ng DNA dahil agad silang nagsampa ng pormal na reklamo laban sa dalawang suspek na sila Leobert DasmariƱas at Jovert Valdestamon.

Samantala ay papasok narin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso at magsasagawa rin sila ng hiwalay na DNA examination.

Matatandaan na sinakyan pa ng ilang mga content creators ang nasabing isyu at sinabi na buhay pa si Jovelyn, ngunit kabaliktaran ito ng ipinakita ng DNA examination.

Ngunit paalala ng PNP Puerto Princesa, mas paniniwalaan nila ang siyensa kaysa sa mga opinyon ng mga netizens o hula ng mga manghuhula.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular