HomeSocial MediaErwin Tulfo, ipinagtanggol si Leni Robredo: "Baka nakakalimutan ng mga kababayan natin...

Erwin Tulfo, ipinagtanggol si Leni Robredo: “Baka nakakalimutan ng mga kababayan natin ang mensahe ng administrasyong ito ay unity.”

Ipinagtanggol ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Erwin Tulfo si dating Vice President Leni Robredo at Angat Buhay NGO chair Leni Robredo mula sa kanyang mga kritiko.

Sa kanyang pahayag, nilinaw ni Tulfo na tinanggap niya ang alok ni Robredo na pagtutulungan sa pagitan ng DSWD at Angat Buhay pagdating sa pagtulong sa mga mamamayan.

“Ang pagtulong po kasi walang kulay, hindi ho red, hindi ho pink… Dapat colorless po ‘yan para wala kang nakikita, ‘di ho ba. Malaking tulong ho iyan, ‘yang Angat Buhay na ‘yan,” paliwanag ni Tulfo.

tulfo robredo 2 e1661610962155

Ipinaalala rin ni Tulfo sa mga netizens na ang mensahe ng pangulong Bongbong Marcos na matinding katunggali ni Robredo ay ‘pagkakaisa’.

“Baka nakakalimutan ng mga kababayan natin ang mensahe ng administrasyong ito ay unity. Unite every Filipino ‘yun ang instruction sa akin ng pangulo…ang pagtutulong kasi wala namang kulay. It doesn’t matter kung galing ka sa pula, galing ka sa dilaw……maraming nagagalit sa atin, na-bash din tayo per ok lang yun. We cannot please everybody.” ani Tulfo.

Samantala ay itinanggi naman ng kampo ni Robredo na hindi sila nagpa-schedule ng nakipagkita sila kay Tulfo.

Ito’y matapos kumalat ang impormasyon mula sa radio host na si Mark Lopez na diumano’y binigla ng kampo ni Robredo si Tulfo.

READ: Nabigla? Radio host sinabing hindi alam ni Tulfo na darating si Robredo sa kanyang opisina

“The OSEC staff got in touch with us and gave us a schedule. I went with Angat Buhay ED Raffy Magno. Not one photographer from us.” ani Robredo.

“The only photographer present was the DSWD photographer. We just shared Sec Erwin Tulfo’s Facebook post.” dagdag pa niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular