HomeSocial MediaDating radio station manager na may 27 counts 'qualified theft' appointed bilang...

Dating radio station manager na may 27 counts ‘qualified theft’ appointed bilang opisyal ng PIA

Tumaas ang kilay ng mga netizens sa bagong pasabog ng blogger na si RJ ‘Thinking Pinoy’ Nieto tungkol sa isang bagong appointee sa Philippine Information Agency (PIA) na may kinakaharap palang patong patong na kaso.

Nitong Agosto 30 ay inanunsyo ng PIA ang pagkaka-appoint kay Maria Victoria Gumabao na isang dating radio station manager.

Ngunit ayon kay Nieto ay mayroong kinakaharap na mga kaso si Gumabao dahil diumano sa hindi nito pagre-remit ng pera na ipinagkatiwala sa kanya ng kanyang dating istasyon.

image 7

Ibinahagi ni Nieto ang isang artikulo mula sa bicolmail.net kung saan ay nakumpirma ang paghuli kay Gumabao sa bisa ng warrant ng Regional Trial Court.

Kinasuhan ng complainant na Aliw Broadcasting Corp. si Gumabao ng 27 counts of qualified theft at three counts ng qualified theft through falsification of documents.

“An employee of Home Radio who requested that his name be withheld for lack of authority to speak on the matter, said that Aliw Broadcasting Corp., owner of Home Radio, filed the complaints against Gumabao, accusing her of pocketing thousands of pesos representing payments from several block timers, which were not remitted by Gumabao to the company.” ayon sa artikulo.

Nagbayad naman ng P30,000 sa kada counts ng qualified theft at P40,000 para sa tatlong counts ng falsification of documents si Gumabao upang makakuha siya ng pansamantalang kalayaan.

Naging miyembro ng campaign team ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. si Gumabao noong nakaraang halalan sa Camarines Sur.

Sa ngayon ay wala pang sagot si Gumabao tungkol sa mga akusasyon sa kanya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular