HomeCelebritiesVivian Velez, todo ang papuri kay 'Katips' director Vince Tañada: "He is...

Vivian Velez, todo ang papuri kay ‘Katips’ director Vince Tañada: “He is ahead of the race!”

Todo ang papuri ng aktres na si Vivian Velez sa direktor ng ‘Katips’ na si Atty. Vince Tañada.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Velez ang kanyang paghanga kay Tañada matapos ang kanyang pagbisiat sa Black Box Theatre ng Philippine Stagers Foundation nitong nakaraang Sabado.

Ayon kay Velez ay si Tañada ang nasa likod ng nasabing ideya na tinawag niyang ‘genius’.

image 6

“He was able to merge entertainment, pop culture with a fundamental theatrical values in a span of 4 hours. Effectively showed us that theatre arts can also be a powerful tool for social transformation and empowerment.” ani Velez.

Naniniwala naman ang aktres na ang mga kritiko ni Tañada ay hindi pa napapanood kahit isa sa mga likha nito.

“I dare say that most people who criticize his work haven’t even seen his craft. And, for all the snubs he endures right now, let me tell you this… Atty Vince, the writer, the actor, the director, the mentor and the ‘maverick’ is way ahead of the race. Bravo, direk Vince. I’m a fan,” dagdag niya pa.

Ikinatuwa naman ni Tañada ang naging mensahe sa kanya ni Velez.

“I am filled with joy and validation that this comes from an actor with so much dedication and commitment sans boastfulness that some stars nowadays have. I remain a fan of your works especially Paradise Inn and Pieta. Your post reminds me that I am just a nobody and that all my talents came from the Divine Being who loves me tremendously. Mabuhay po kayo,” sabi ng direktor.

Matatandaan na naging kontrobersyal si Tañada matapos niyang tapatan ang pelikulang Maid in Malacañang sa showing date nito.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular