HomeSportsSad boy yarn? Chot Reyes hinimok ang mga fans na sa kanya...

Sad boy yarn? Chot Reyes hinimok ang mga fans na sa kanya lang ibuhos ang galit nila

Nakiusap si Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes sa mga fans na siya na lamang ang i-boo at huwag na ang kanyang mga players.

Ito’y matapos siyang paulanan ng ‘boo’ ng mga nanood ng Gilas vs Saudi Arabia nitong Agosto 29 sa Mall of Asia (MOA) Arena.

Matatandaan na kada ipapalabas ang mukha ni Reyes sa jumbotron ay susundan ito ng boo ng mga manonood.

Ayon kay Reyes ay ayos lamang sa kanya na ma-boo ng kanyang mga sariling kababayan.

“For me, I’d rather get booed by the crowd than the players get booed. Boo-hin ninyo na ako ng todo, huwag niyo lang boo-hin yung mga players. Suportahan ninyo lang yung mga players. That is fine with me,” ani Reyes sa press conference na ginanap matapos ang laban ng Gilas.

“Murahin ninyo na ako, i-bash ninyo na ako nang todo. Basta suportahan ninyo yung team, suportahan ninyo yung players,” dagdag niya pa.

Hindi nagustuhan kahit ng mga Gilas Players na sina Jordan Clarkson at Dwight Ramos ang naging trato ng mga fans sa kanilang coach.

Ngunit may ilan na naniniwala na kailangan na talagang umalis ni Reyes sa Gilas.

Matatandaan na sa ilalim ni Reyes ay nagkaroon ng mga record-breaking na pagkatalo ang Pilipinas.

Isa na dito ay ang pagkatalo ng Pilipinas sa SEA Games laban sa Indonesia matapos ang ilang dekada na paghahari ng bansa.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular