HomeCelebritiesPBBM, nag-utos na imbestigahan ang diumano'y pekeng appointment ng abogado ni Francis...

PBBM, nag-utos na imbestigahan ang diumano’y pekeng appointment ng abogado ni Francis Leo Marcos sa BI

Nag-utos ng imbestigasyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa diumano’y kumakalat na diumano’y pekeng appointment papers ni Atty. Abraham Espejo bilang Commissioner ng Bureau of Immigration (BI).

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles na iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI), Department of Justice (DOJ) at PNP-CIDG kung saan nag-umpisa ang pagkalat ng nasabing appointment papers.

Makikita sa nasabing appointment papers ang pirma mismo ang pirma ni Marcos na diumano’y pineke lamang ayon kay Angeles.

302409710 3680325722194067 4283727959573309368 n

Ayon kay Angeles ay mabigat ang penalty ang kakaharapin ng tao sa likod nito.

“Tandaan natin, signature ng ating Pangulo ang pinaghihinalaan nating na-forge so medyo mabigat yung implications niya. Hindi rin natin alam kung ano ang maaaring paggamitan ng mga ganung klaseng dokumento.” ani Angeles.

Kinumpirma din ni Angles na walang appointment papers na inilabas ang Presidential Management Staff (PMS) para kay Espejo.

Nakilala si Espejo bilang abogado ni dating pangulong Joseph Estrada, at kontrobersyal na internet personality na si Francis Leo Marcos.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Espejo tungkol sa isyu.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular