HomeSocial MediaPamilya Galleno, pormal ng nagsampa ng kaso laban sa 2 suspek matapos...

Pamilya Galleno, pormal ng nagsampa ng kaso laban sa 2 suspek matapos lumabas ang DNA result

Pormal ng nagsampa ng reklamo ang pamilya Galleno laban sa dalawang suspek sa pagkawala ng graduating student na si Jovelyn Galleno.

Nitong Agosto 30, pumunta sa Puerto Princesa Prosecutor’s Office ang ina ni Jovelyn upang sampahan ng patong patong na kaso ang magpinsan na sina Leobert Dasmariñas at Jovert Valdestamon.

Matatandaan na inamin ni Dasmariñas na silang dalawa ni Valdestamon ang nagplano noong Agosto 5 para dukutin si Jovelyn at pagsamantalahan.

Si Dasmariñas din ang nagturo sa kinaroroonan ng katawan ng biktima kung saan nakita ng mga otoridad ang gamit ni Jovelyn at isang kalansay.

Matapos ang ilang linggo ay napatunayan sa DNA examination na si Jovelyn nga ang nasabing kalansay.

99.9% kasi na nagmatch ang DNA ng kalansay sa ina ni Jovelyn.

Ngunit ayon kay Jonalyn Galleno, kapatid ni Jovelyn ay sinabi diumano sa kanya ni Dasmariñas na hindi ang biktima ang kalansay.

Nananatili namang misteryo kung paano agad naging kalansay ang katawan ni Jovelyn gayong nasa dalawa hanggang tatlong linggo pa lamang ng ito ay mawala.

Ayon naman sa ilang eksperto ay maaring kinain ng mga hayop ang katawan ni Jovelyn na nagpabilis upang maging kalansay ito.

Sa ngayon ay magpupulong ang mga otoridad at inaasahan na gagawa rin ng sariling examination ang National Bureau of Investigation (NBI) sa katawan ni Jovelyn.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular