HomeCelebritiesManny Pacquiao at Chavit Singson, tinapos na ang kanilang away

Manny Pacquiao at Chavit Singson, tinapos na ang kanilang away

Matapos ang ilang buwan ay muling nagkita si dating Sen. Manny Pacquiao at dating Narvacan Mayor Chavit Singson.

Ibinahagi ni Ako Ilocano Ako party-list Rep. Richelle Singson ang madamdaming pagtatagpo ni Pacquiao at Singson.

Kasama ni Pacquiao ang kanyang asawa na si Jinkee.

Makikita pa sa isang video na nagyakapan pa ang dalawa matapos ang ilang buwan nilang hidwaan.

Ipinakita rin ni Singson ang kanyang armored vehicle kay Pacquiao na ginamit din noong kampanya.

“Because Friendship is stronger than Politics.” ani Singson.

Matatandaan na nagkaroon ng lamat ang kanilang relasyon nitong nakaraang halalan dahil sa hindi sinuportahan ni Singson si Pacquiao na tumatakbo noon sa pagkapangulo.

Ayon kasi kay Singson ay hindi pa handa si Pacquiao na pamunuan ang bansa kaya naman mas pinili niya na suportahan ang kapwa niya Ilocano na si Pangulong Bongbong Marcos.

“Mag aral ka muna bago ka pumasok sa isyu! Dahil dyan maliwanag suportado ko parin siya sa boxing, pero sa pulitika mag-aral muna siya.” ani Singson.

READ MORE: Chavit Singson, may mensahe kay Manny Pacquiao: “Mag aral ka muna bago ka pumasok sa isyu!”

Kinuwestiyon din ni Singson ang kalusugan ni Pacquiao dahil sa kanyang ilang dekadang pagpasok sa ring.

“Grabe ang alog ng utak ng mga boxer, so hopefully hindi masisira ang (utak) niya diyan, sa tagal ng boxing niya, mula bata naalog na ang utak niya,” sabi pa niya.

“Nasasayangan lang ako kasi, magastos na tao. ‘Yung naiwan na pera niya (Manny Pacquiao), mauubos ‘yun pagtakbo niyang presidente. Kawawa ang pamilya niya.”  dagdag pa niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular