HomeSocial MediaDNA test, 99.9% na kinumpirma na si Jovelyn Galleno ang kalansay

DNA test, 99.9% na kinumpirma na si Jovelyn Galleno ang kalansay

Tila malapit ng matuldukan ang misteryo na bumabalot sa pagkawala ng graduating student na si Jovelyn Galleno na nawala noong Agosto 5.

Ito’y matapos lumabas ang resulta ng DNA examination na ginawa sa isang kalansay na nakita sa Barangay Sta. Lourdes, Puerto Princesa.

Matatandaan na itinuro ng isa sa mga suspek na diumano’y dumukot kay Jovelyn ang nasabing lugar kung saan nakita ang mga gamit ng dalaga at isang kalansa.

Kinumpirma ni Puerto Princesa City police spokesperson Police Captain Maria Victoria Iquin na 99.9% na nag-match ang DNA ng kalansay sa kinuhang sample sa ina ng biktima.

Ito rin ang sinabi ng PNP MIMAROPA tungkol sa isyu.

“Base sa resulta ng isinagawang DNA examination ng PNP Forensic Group sa DNA sample mula sa natagpuang kalansay at DNA buccal swab sa ina ni Jovelyn, lumalabas na 99.99% na tugma ang resulta.”

Naipakita narin sa pamilya Galleno ang nasabing resulta ng DNA at ngayon ay naghahanda na sila sa pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek na sila Leobert Dasmariñas at Jovert Valdestamon.

Sa ngayon ay patuloy parin ang pagdududa ng mga netizens dahil sa napakabilis na panahon ay naging ganap na kalansay si Jovelyn.

Ngunit ilang eksperto na ang nagsabi katulad ni Forensic Pathologist Dr. Raquel Fortun na posible na maging kalansay ang isang katawan sa loob lamang ng maiksing panahon.

READ MORE: Forensic Pathologist Dr. Raquel Fortun, sinabing “posible” na maging kalansay ang bangkay sa loob ng 2 Linggo

“Possible yan, possible pero it depends on a lot of factors primarily yung environment…Kung ang katawan ay nasa ibabaw lang ng lupa, kasi exposed aside from being exposed sa araw at ulan nandyan nga yung mga hayop at pupwede nga nila ikalat,” ani Fortun.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular