HomeCelebritiesAles Vodisek kinuwestyon: "Bakit wala ni isang kamag-anak sa wedding?"

Ales Vodisek kinuwestyon: “Bakit wala ni isang kamag-anak sa wedding?”

Kinukwestiyon ngayon ng mga netizens kung ano ba talaga ang pagkakakilanlan ng Slovenian National na si Ales Vodisek na nag-viral dahil sa kanyang mapait na relasyon sa kanyang asawa ngunit matamis na pakikisama sa kanyang bestfriend.

Sa ilang comments sa social media ay mababasa ang mga ‘red flag’ diumano na napansin nila kay Vodisek, katulad na lamang ng pagpapakasal nito kay Jorryme Vodisek kahit na ilang buwan pa lamang silang magkakilala.

Isa pa rito ay ang hindi diumano pagbibigay ng ambag ng foreigner sa church wedding nila ng mag-asawa.

screencap 2022 08 28 at 1.58.03 PM

Ngunit ang isa pang pinagtataka nila ay bakit tila wala man lang inimbitahang kamag-anak o kaibigan si Ales mula sa kanyang pinanggalingang bansa.

Ayon sa international relations expert na si Sass Rogando Sasot ay hindi normal para sa mga taga Europe na hindi mag-iimbita ng kanilang magulang o kaibigan sa espesyal na araw nila.

“Wala ni isang kamag-anak o kaibigang Slovenian ng lalake sa wedding?? Ano sya ulilang lubos??? Not a typical behavior sa Europe.” sabi ni Sasot na tumira sa Europa ng ilang taon.

Isa pang napansin niya ay hindi pinakasalanan ni Ales si Jorryme sa Slovenian Consulate kung saan ay mas kikilalanin ang kanilang kasal.

“It should have been a red flag to Jorryme that her Slovenian jowa arranged an online marriage sa isang U.S. service provider and NOT sa Slovenian Consulate in Manila, eh hindi naman sya Amerikano? hahahaha Simple: He is probably hiding from his own government.” paliwanag niya.

Dahil dito ay hinimok ni Sasot ang mga mambabatas na pahigpitin ang pagpapakasal ng mga foreigner sa mga Pilipina sa bansa.

“Foreigners should not be allowed to marry a Philippine resident or citizen while they are on a tourist visa. If a foreigner wants to marry a Philippine resident or citizen, the foreigner must apply for a change of status from tourist visa to fiance visa. In other countries, Filipinos must return to the PH to change that status. That should also be the case here.” sabi niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular