HomeUncategorizedKumpanya ng alkalde ng Bacolod na si Albee Benitez, inirereklamo dahil sa...

Kumpanya ng alkalde ng Bacolod na si Albee Benitez, inirereklamo dahil sa ‘message spam’

Isang grupo ang inirereklamo ngayon ang kumpanya ni Bacolod City Mayor Albee Benitez na si Bingo Plus dahil sa pagpapakalat nito ng spam messages.

Matatandaan na matapos ang pandemya ay dumami ang mga unknown numbers na nagpapadala ng mensahe sa mga mobile phone users.

Ang ilan pa nga sa mga spam messages na ito ay may kasama pang pangalan ng may-ari ng mobile number kaya naman suspetsa ng mga netizen ay kumalat na ang impormasyon nila at ginagamit na ito ngayon ng iba’t ibang grupo.

Isa sa mga inirereklamo ngayon ay ang Bingo Plus na nalamang pagmamay-ari ni Benitez kung saan ay makikita pa mismo ang buong pangalan ng may-ari ng numero na kanilang pinapadalhan ng mensahe.

Eto ang ilan sa reklamo ng mga netizens:

 

Tinawag din ng grupong Digital Pinoy ang atensyon ng National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa tila hindi nito pinapansin ang ipinapakalat na spam messages ng Bingo Plus.

Ayon sa grupo ay dapat alamin ng NTC kung paano nakuha ng kumpanya ni Benitez ang mga numero ng mga mobile users sa bansa.

“We are raising the alarm on this matter as we are gravely concerned with the possible effects to those who will be enticed to play, as we have seen to those who were hooked on to e-sabong before,” ayon sa national campaigner ng Digital Pinoys na si Ronald Gustilo.

“We fear that by allowing these messages to proliferate, we are giving it access to all. We are worried that even minors might be enticed to join,” dagdag niya pa.

“If Bingo Plus violated the Data Privacy Act and other laws, the NTC should file appropriate charges against AB leisure to show that text spamming is not being tolerated by the good Commission. So many people have been complaining about spam messages and it is high time that the government acts on it.”

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Bingo Plus o si Benitez tungkol sa reklamo ng mga netizens.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular