Friday, September 30, 2022
HomeSocial MediaKomentarista na hinamon noon ng duwelo ni Duterte, himas rehas dahil sa...

Komentarista na hinamon noon ng duwelo ni Duterte, himas rehas dahil sa kasong cyber libel

Himas rehas ngayon ang isang mamamahayag ang radio commentator matapos itong mahuli ng mga otoridad dahil sa kasong cyber libel.

Nitong Agosto 28 ay hinuli ng mga otoridad si Waldy Carbonel habang ito ay nagja-jogging sa Pasay City.

Isinampa ni Piddig, Ilocos Norte Mayor Eduardo Guillen ang nasabing kaso laban sa 79-anyos na si Carbonell dahil inakusahan siya ng komentarista ng korapsyon.

Sa ngayon ay hindi parin nakakapagpiyansa si Carbonell dahil sa mayroon diumanong nanggulo sa kanilang fundraising kung saan ay hindi na nila ngayon mapasok ang digital bank account na ginamit nila para makalikom ng pondo.

Aabot diumano sa P280,000 ang kailangan bayaran ni Carbonell kaya naman kinakailangan talaga nila na magkaroon ng fundraising.

Nasa ospital rin ngayon si Carbonell dahil sa iba pang komplikasyon.

Matatandaan na hinamon noon ni Duterte ng duweldo si Carbonell noong alkalde pa ito ng Davao City.

Nangyari ang insidente noong 2003 ngunit hindi naman natuloy ang nasabing duwelo.

Ito rin ang nagbunyag na diumano’y papalitan ng isang Chinese company ang ABS-CBN at gagawin itong ‘Dragon Broadcasting Network’.

Ayon sa kanya ay kinukuha siya na maging parte ng nasabing Chinese broadcasting network kahit na isa siyang matinding kritiko ng China at nagsunog pa ng kanilang bandila.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular