HomeCelebritiesJorryme Vodisek, nag-loan pa diumano para mapakasalan lamang ang AFAM na si...

Jorryme Vodisek, nag-loan pa diumano para mapakasalan lamang ang AFAM na si Ales Vodisek

Lalo pang lumalalim ang istorya tungkol sa love triangle sa pagitan ng Slovenian national na si Ales Vodisek asawa nitong si Jorryme at ‘bestfriend’ nito na si Shaira Mae Boyonas.

Sa kanyang post, sinabi ni Jorryme na hindi naman pala si Ales ang sumagot sa kanilang kasal kundi siya.

Ayon sa kanya ay lalo pang tumaas ang kanyang loan dahil sa nasabing kasal nila na itinuturing niya na ngayong isang malaking pagkakamali.

Ito rin ang mga kumakalat na balita na mula sa mga personal na nakakakilala kila Ales at Jorryme.

“Ito na nga, ang gusto talaga ni Ales ay si Shaira, pero nag pakasal sya kay Jorryme, why? because merong work si Jorryme me, may money unlike kay Shaira.” sabi ng isa sa mga source na nagpakilalang alam ang nangyayari sa pagitan ng mag-asawang Vodisek.

“May vlog ito si Shaira at Ales pero makikita naman natin na walang masyadong nanunod, walang masyadong subscribers before so it means walang malaking pera sa youtube channel nila. As far as I know, ang gumastos sa kasal nila ay si Jorryme, at nag loan pa nga sya.

“Get’s nyo ba guys now. Mukhang wala ng pera ang afam kasi nga nasa ibang bansa palang ito, nagpapadala na sa kapatid ni Shaira at pamilya, nag stay sya dito sa Philippines at nag vovlog. Magastos din naman mag stay dito sa Philippines, mukhang paubos na pera ng afam. All involved money here, why sya nag pakasal agad kay Jorryme, months palang relationship nila.” dagdag pa nila.

Sa ngayon ay maituturing na hiwalay na si Ales at Jorryme at sa isang vlog at sinabi ng foreigner na gusto pa niyang sagipin ang kanilang relasyon ngunit tila may sakit na sa pag-iisip ang kanyang asawa.

READ MORE: Ales Vodisek, sinabing may problema sa pag-iisip ang kanyang asawa: “You cannot go better until you get medication,”

Wala pang pahayag si Jorryme tungkol sa loan na kanyang kinuha diumano para lamang matuloy ang kasal nila ng foreigner.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular