HomeSportsJordan Clarkson di natuwa sa 'boo' na ginawa ng mga fans kay...

Jordan Clarkson di natuwa sa ‘boo’ na ginawa ng mga fans kay Chot Reyes

Hindi ikinatuwa ng Filipino-American Utah Jazz basketball player na si Jordan Clarkson ang ginawang ‘booing’ ng mga fans kay Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes nitong Agosto 29.

Si Clarkson ay naglalaro para sa Gilas Pilipinas upang i-representa ang bansa para sa FIBA World Asian Qualifiers.

Matatandaan na ilang beses na boo ng mga fans si Reyes sa mismo pa naman niyang bansa dahil sa diumano’y hindi nito magandang mentalidad sa pagko-coach.

“For somebody to get rocks thrown at him for putting all this together, me and Kai, his dream and vision coming back to the game, is bs.” sabi ni Clarkson sa press conference matapos ang laro nila.

Ayon kay Clarkson ay hindi maganda ang ipinakita ng mga Filipino basketball fans sa mundo.

“We have each other’s backs… I’m here with my coach…I know everybody in the locker room is.. I think we need to change our actions and show some love and peace here.” ani Clarkson.

Maliban kay Clarkson ay naglabas din ng pagkadismaya si Dwight Ramos sa mga ipinakita ng fans.

Ayon sa ilang ulat ay si Reyes ang dahilan kung bakit naglalaro ngayon sa Gilas si Clarkson dahil bago pa lamang diumano ito maging NBA player ay matagal na siyang kinukumbinsi ng coach na irepresenta ang Pilipinas.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular