HomeCelebritiesInternational relations expert, inalok ng tulong si Jorryme Vodisek: "Pa background check...

International relations expert, inalok ng tulong si Jorryme Vodisek: “Pa background check natin sa Europa!”

Kahit ang international relations expert na si Sass Rogando Sasot ay nakisali na sa love triangle issue ng Slovenian national na si Ales Vodisek, asawa nitong si Jorryme at bestfriend nito na si Shaira Mae Boyonas.

Sa kanyang mga Facebook post, tinawag na ‘red flag’ ni Sasot ang nasabing foreigner dahil sa mga napansin niya habang sinusundan ang kwento ng tatlo.

Ayon kay Sasot ay dapat nag-background check muna si Jorryme tungkol sa pagkakakilanlan ni Ales bago niya ito pinakasalan.

shaira vodisek jorryme

Matatandaan na nanirahan ng ilang taon sa Europa si Sasot kaya’t ibinahagi niya rin ang kanyang nalalaman tungkol sa mga nakatira doon.

“It should have been a red flag to Jorryme that her Slovenian jowa arranged an online marriage sa isang U.S. service provider and NOT sa Slovenian Consulate in Manila, eh hindi naman sya Amerikano? hahahaha Simple: He is probably hiding from his own government.” ani Sasot.

“If you want to verify, give us his full legal name, pa background check natin sa mga nasa Europa,” dagdag pa niya.

 

Ipinaliwanag niya naman na tinutulungan niya si Jorryme dahil sa marami na siyang narinig na istorya ng mga pinay na pumunta sa Europa ngunit naloko lamang ng kanilang afam.

Ayon kay Sasot ay maaring swerte pa si Jorryme dahil sa posible pa niyang maiatras ang legalidad ng kanilang kasal.

“If you have heard the horror stories of Filipinas na pumunta sa Europe because of their afam bowa, you will understand. Maaawa ka sa mga kababayan mo. Ang daming ganyang stories sa Europa…maswerte pa itong si Jorryme, she dodged a probably greater suffering.” ani Sasot.

“My goodness, haven’t you watched the Tindler Swindler? Nakakaloka iyong Jorrmee took a loan for her wedding — aren’t you smelling grooming for possible Tindler Swindler scenario in the future? If the afam can make a Pinay loan money for HER OWN wedding, he could maniplate her to do anything.” dagdag pa niya.

Isa pa sa mga napansin niya ay tila pinapalabas pa ni Ales na mayroong sakit sa pag-iisip ang kanyang asawa na diumano’y istilo ng mga manloloko.

Ipinagtataka niya rin kung bakit wala man lang kamag-anak si Ales na maipakita sa kanyang asawa.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Ales kung ano nga ba talaga ang kanyang buhay sa Slovenia bago siya pumunta ng Pilipinas.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular