HomeCelebritiesFrancis Leo Marcos na nag-umpisa ng 'Mayaman Challenge' guilty sa paglabag sa...

Francis Leo Marcos na nag-umpisa ng ‘Mayaman Challenge’ guilty sa paglabag sa anti-alias law

Hinatulan ng tatlong taon na pagkakakulong ang kilalang internet personality na si Francis Leo Marcos.

Ito’y matapos mapatunayan na lumabag siya sa anti-alias law dahil sa paggamit niya ng pangalan ng pamilya Marcos kahit na ang kanyang totoong pangalan ay ‘Norman Mangusin Antonio’.

“With the documentary and testimonial evidence adduced, this Court is fully convinced that the prosecution has succeeded in proving the guilt of the accused, Norman Mangusin y Antonio alias Francis Leo Marcos y Antonio beyond reasonable doubt,” ayon sa desisyon ng korte.

Mayroon pang mas mabibigat na kaso na kinakaharap si Mangusin na hindi pa napagdedesisyonan ng korte.

Matatandaan na tumakbo ba ito nitong nakaraang halalan sa pagkasenador ngunit natalo rin ito.

screencap 2022 08 29 at 6.38.53 PM

Tinaguriang ‘bayani’ si Mangusin dahil sa kanyang ‘Mayaman Challenge’ kung saan ay hinamon niya ang mga mayayaman na gayahin siya at tulungan ang mga tao.

Ngunit nalaman ng ilang mga netizens na isang mangagantso noon si Mangusin at nagpapanggap lamang itong mayaman upang makahanap ng kanyang susunod na biktima.

Itinanggi naman ni Mangusin ang mga paratang laban sa kanya.

Sa ngayon ay patuloy na nasa kustodiya ng mga otoridad si Mangusin upang harapin pa ang mga mas mabibigat na kaso laban sa kanya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular