HomeCelebritiesDirek Darryl Yap, napagsabihan ni Sen. Imee Marcos: "Please be more controlled,...

Direk Darryl Yap, napagsabihan ni Sen. Imee Marcos: “Please be more controlled, people will really take it as kayabangan”

Hinimok ni Senador Imee Marcos ang direktor ng Maid in Malacañang na si Darryl Yap na bawas bawasan ang pagpatol sa kanyang mga bashers.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Yap ang sermon sa kanya ni Marcos dahil sa kanyang pagpatol sa mga bumabatikos sa kanyang pelikula.

Ayon kay Marcos ay kailangan daw na kontrolin ni Yap ang kanyang sarili upang hindi na siya pag-isipan pa ng masama ng ibang tao.

darryl imee 1

“Darryl, please be more controlled, people will really take it as kayabangan kasi we succeeded na nga and here you are still making patol these people; manahin mo ang pagiging respectful ng mga anak ni Boss Vic; they can’t even tell you to adjust your script sometimes out of respect, sobra silang marespeto, our victory is enough to speak for itself, let the numbers do the talking. to Patol is human, to deadma is divine.” ani Marcos.

Ngunit tugon ni Yap ay nagbibigay lamang siya ng tugon sa empleyado ng VIVA na matatandaang binatikos siya at ang kanyang pelikula.

Pabiro pa nitong sinabi na pinagbabantaan ng nasabing empleyado ng buhay niya.

READ MORE: Darryl Yap nakipag bardagulan sa Kakampink na empleyado ng VIVA: “Hahanapin ko talaga to”

Matatandaan na si Marcos ang executive producer ng Maid in Malacañang na umabot na sa daan daang milyong piso ang kinita.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular