HomeCelebritiesDarryl Yap nakipag bardagulan sa Kakampink na empleyado ng VIVA: "Hahanapin ko...

Darryl Yap nakipag bardagulan sa Kakampink na empleyado ng VIVA: “Hahanapin ko talaga to”

Tila sabik ng makita ng direktor ng blockbuster movie na Maid in Malacañang na si Darryl Yap ang isa sa mga empleyado ng VIVA na binabatikos siya.

Ang VIVA ang producer ng MiM kaya naman hindi maitago ni Yap ang pagtataka kung bakit may isang empleyado nito ang binabatikos ang isa sa mga nagbibigay ng kita sa kanyang kumpanya.

Sa kanyang mga Facebook post, makikita ang mga banat ni Yap laban kay Anton Pelon na diumano’y isang Kakampink.

“Oh? bakit parang may pait sa kapag mataas ang ratings? ayaw mo ba kumita ang pinagtatrabahuan mo? Ayaw mo bang mataas ang ratings ng VIVA Films Viva Entertainment? ayaw mo bang happy ang mga del Rosario,” tanong ni Yap kay Pelon.

Balak pa diumanong puntahan ni Yap ang nasabing empleyado sa opisina ng VIVA.

“Going to VIVA this week, hahanapin ko talaga tong Anton Pelon na ito para naman mapitik nya ako at magising ako sa realidad.” aniya.


Sa isa pang post ay nagpasalamat si Yap dahil sa makakakuha ang mga Kakampinks ng bonus sa VIVA dahil sa laki ng kinita ng Maid in Malacañang.

“LORD, ansarap pong isipin na may contribution ako at ang MAID in MALACAÑANG sa bonus at sweldong marereceive ng mga KAKAMPINKS sa VIVA, may pamasko na agad sila, pasabi po they’re welcome. AMEN.” sabi ng direktor.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang VIVA kung may aksyon ba silang gagawin sa nasabi nilang empleyado.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular